Saang nga ba nagsimula ang
salitang may poreber at walang poreber? Sa opisina, sa palengke, MRT, LRT,
malls at maging sa tabi ng daan ay yun ang laging usap usapan. # may
poreber#Walangporeber. Siguro, malamang, may mga tao ng walang naniniwala sa
katagang ito. May dahilan sila kaya hinding-hindi natin sila masisi sa kanilang
mga naranasan. Para naman sa iba may forever.
Sabi nga ni Xander at Agnes ay “ mi POREBER NGA” na kung saan sabay pa
nilang isinigaw sa katatapos pa lamang na teleserye ng ABS-CBN. Silang dalawa
ang dahilan kung bakit nauso ang salitang yan. Madaming mga tao ang baliw na
baliw sa Forevermore.
Habang nasa opisina, di ko
maiwasan ang mag browse sa aking Facebook. O My Gee!!!!! Dagsa ang mga comment
at post sa aking wall. #may forever #walang forever. Talagang uminit pa yung
ulo ko sa mga picture na nakita ko. Grrrr. Di nga natin maikakaila na ang
Pilipinas ay isa sa mga bansa na adik sa mga teleserye na kung saan sumasalamin
na sa mga pang araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.
Anyway, di naman talaga
ako fans ng Forevermore. Pero dahil sa uso ito ay nakiuso na din ako. Kung
anung uso sunod na lang tayo. Gaya na lamang ng That Things Called Tadhana,
makikita natin may Poreber nga kasi sa ending sila pa din pero bago naman natin
makamit ang salitang poreber eh sandamakmak naman na love problem ang ating
mararanasan. To the extend na sisigaw tayo sa bundok, bulkan, ilog, dagat o
kung minsan sa tenga na lang ng katabi mo puwede ng sumigaw eh to release and
relieve all the pain that you have. Kaka stress nga naman talaga pagdating sa
love.
Love has no limitation and
no boundary. Yan ang advice sa akin ng aking officemate ko. Kakulitan ko habang
wala kaming ginagawa. Pinag kukuwentuhan naming lahat ng mga bagay bagay sa
paligid. Oo lahat lahat. Malay mo pati buhay mo pinag uusapan na din namin.
Balik tayo sa love na yan. Oo minsan na din kasi ako umibig pero sa maling tao
pa. Humingi ako ng advice sa friend ko pero me kasama talagang batok at sapak. Kulang
na lang maghiwalay yung ulo ko sa leeg ko. Oucchh!!! sakit nun pren. Nag advice
nga pero me sapak at mura pa. Tanga daw ko. Hello! Sige nga. Bilangin mo nga
kami sa mundo kung mabilang mo. Ewan ko lang. Pag nagmahal ka, nagpapakatanga
ka na din. Naunawaan ko naman yung advice nya pero bakit no boundary? Anyone?
Sa katagang iniwan ito ng aking pren, napag isip-isip ko tuloy na mali nga sila
but in terms of love there is a limitation and has boundary. Has boundary kasi
kung nasasaktan ka na bakit mo pa ipaglalaban ang taong paulit ulit ka na nyang
sinasaktan at niloloko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento