Wikipedia

Mga resulta ng paghahanap

Lunes, Hulyo 6, 2015

AKIN KA NA LANG

Of all the places that we been through, dito pa talaga Batanes naisipan kung pumunta. Napakatanga ko talaga pagdating sa pag ibig. Kasi hanggang nagyon patuloy pa rin ako kumakapit sa mga pangako mo na ako lang ang mamahalin mo. Oo. That’s the reality that I am still aching and in love with you. Di ko naman talaga balak pumunta ng Batanes pero dito ako nila ng aking paa’t isipan.
Bago ko maisipan na pumunta dito, busy ako noon sa bank sa paggawa ng mga reports and suddenly nag browse ako sa internet for a place where should I go para malibang ako. Biglang nag pop-up sa screen ko ang isang advertisement ng isang travel agency. Maganda ang lugar that’s why nag book agad ako ng flight to travel to that place. Ang mali ko lang, at dahil excited ako ay di ko naalala na doon tayo unang nagkita at nagkahiwalay.
It hurts me so much. More pain and until now, still hurting inside. How can I forget the guy who loves me so much more? The one who told me that his world revolved around me. Gago! Di ako araw para sa akin ka umikot. Di sana nasunog ka na diba!
Going back to the reality, nowadays, ganyan na talaga ang mga style ng panliligaw nila. Puro pangako, tapos sasabihin nila mahal na mahal kita. My God! Parang sinabi na din nila na “Aanakan kita”. Ooopsss.. teka lang. no offense guys.
Yun na nga, ang magandang bakasyon sana na dapat nararanasan ko ay nauwi lang sa wala dahil lahat na mga alaala ay patuloy pa rin na bumabalik sa aking isipan. Mga alaala sa sanay dapat ibinaon ko na sa limot, pero bakit ganun, hanggang ngayon kahit anung gawin ko ikaw pa rin ang laman ng puso ko. Ikaw pa rin ang patuloy na tinitibok nito. Na sana hanggang ngayon patuloy pa din ako umaasa na babalikan mo pa din ako. Umaasa pa din na sana tayo ang magkakatuluyan hanggang sa huli pero wala eh. Walang nangyari. Walang nangyari dahil ikaw mismo ang sumuko. Ikaw! Ikaw!
Masakit isipin pero kelangan kung tanggapin. Basta mo na lang ako iniwan. Kung alam mo lang kung gaano ko katagal pinanghawakan ang katagang kaya ko pa dahil habang nakikita kita kasama  mo ang bago mo ay patuloy ko pa din iniisip na sana akin ka na lang. Akin ka na lang ulit.

Oo! Wala akong karapatan sabihin ang ganung mga bagay kasi di natin hawak ang puso ng isa’t isa. Di ko din masisi ang aking sarili kung bakit mo ako iniwan pero sana pinaliwanag mo sa akin dahil kaya ko namang tanggapin ang pagkatalo ko sa pag-ibig. Pag-ibig na panghabam buhay pero sa maikling panahon lang pala. Iniwan mo lang ako na walang dahilan. Halos gabi-gabi iniisip ko kung bakit pero wala akong mahanap na sagot sa tanung ko na Bakit!.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento