Of all the places that we
been through, dito pa talaga Batanes naisipan kung pumunta. Napakatanga ko
talaga pagdating sa pag ibig. Kasi hanggang nagyon patuloy pa rin ako kumakapit
sa mga pangako mo na ako lang ang mamahalin mo. Oo. That’s the reality that I
am still aching and in love with you. Di ko naman talaga balak pumunta ng
Batanes pero dito ako nila ng aking paa’t isipan.
Bago ko maisipan na
pumunta dito, busy ako noon sa bank sa paggawa ng mga reports and suddenly nag
browse ako sa internet for a place where should I go para malibang ako. Biglang
nag pop-up sa screen ko ang isang advertisement ng isang travel agency. Maganda
ang lugar that’s why nag book agad ako ng flight to travel to that place. Ang
mali ko lang, at dahil excited ako ay di ko naalala na doon tayo unang nagkita
at nagkahiwalay.
It hurts me so much. More
pain and until now, still hurting inside. How can I forget the guy who loves me
so much more? The one who told me that his world revolved around me. Gago! Di
ako araw para sa akin ka umikot. Di sana nasunog ka na diba!
Going back to the reality,
nowadays, ganyan na talaga ang mga style ng panliligaw nila. Puro pangako,
tapos sasabihin nila mahal na mahal kita. My God! Parang sinabi na din nila na
“Aanakan kita”. Ooopsss.. teka lang. no offense guys.
Yun na nga, ang magandang
bakasyon sana na dapat nararanasan ko ay nauwi lang sa wala dahil lahat na mga
alaala ay patuloy pa rin na bumabalik sa aking isipan. Mga alaala sa sanay
dapat ibinaon ko na sa limot, pero bakit ganun, hanggang ngayon kahit anung
gawin ko ikaw pa rin ang laman ng puso ko. Ikaw pa rin ang patuloy na tinitibok
nito. Na sana hanggang ngayon patuloy pa din ako umaasa na babalikan mo pa din
ako. Umaasa pa din na sana tayo ang magkakatuluyan hanggang sa huli pero wala
eh. Walang nangyari. Walang nangyari dahil ikaw mismo ang sumuko. Ikaw! Ikaw!
Masakit isipin pero
kelangan kung tanggapin. Basta mo na lang ako iniwan. Kung alam mo lang kung
gaano ko katagal pinanghawakan ang katagang kaya ko pa dahil habang nakikita
kita kasama mo ang bago mo ay patuloy ko
pa din iniisip na sana akin ka na lang. Akin ka na lang ulit.
Oo! Wala akong karapatan
sabihin ang ganung mga bagay kasi di natin hawak ang puso ng isa’t isa. Di ko
din masisi ang aking sarili kung bakit mo ako iniwan pero sana pinaliwanag mo
sa akin dahil kaya ko namang tanggapin ang pagkatalo ko sa pag-ibig. Pag-ibig
na panghabam buhay pero sa maikling panahon lang pala. Iniwan mo lang ako na walang
dahilan. Halos gabi-gabi iniisip ko kung bakit pero wala akong mahanap na sagot
sa tanung ko na Bakit!.